Advertisers
Ni Anne Venancio
AMINADO si Bela Padilla na nanibago siya pero nakaka-adjust na rin sa kanyang pagbabalik showbiz matapos manatili ng ilang taon sa United Kingdom.
Sey ng aktres, nanibago ako nung una, pero ngayon back na ako sa regular rhythm dahil ilang buwan na kaming nagti-taping.”
Bukod sa akting, aktibo rin si Bela sa pagsusulat at paggawa ng pelikula kung saan dalawa na ang nagawa niyang full-length films.
“May gusto akong gawin na award-worthy project pero hinihintay ko pa ang tamang timing. Hindi pa sa ngayon,” pag-amin nito.
Nang matanong ito kung bakit nahilig siya sa pagsusulat ng script, aniya, impluwensya ito ng kanyang ina at dahil rin umano sa hindi siya nabibigyan ng kanyang dream role.
At kapag walang teyping, nagpupunta umano ang aktres sa beach para mag-free dive.