Advertisers

Advertisers

Misis patay sa ambush, mister ‘missing’ sa Navotas

0 4

Advertisers

NASAWI ang babae at nawawala ang mister sa isang insidente ng pananambang sa kahabaan ng Road 10 na sakop ng Barangay North Bay Boulevard South, Navotas City, madaling-araw nitong Linggo, Mayo 10.
Ayon sa mga nakasaksi, isang itim na sedan ang dumating at pinaulanan ng bala ang mag-asawa habang naglalakad sa lugar, gamit ang hindi pa tukoy na armas.
Hindi pinalad na mabuhay ang babae, habang ang kanyang mister na bagama’t tinamaan din ng bala ay nakatakbo nguni’t kasalukuyang hindi pa matukoy ang kinaroroonan.
Matapos ang paamaril, mabilis na tumakas ang sasakyan ng mga salarin patungo sa direksiyon ng C4 Road sa nasabi ring lungsod
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.
Kasalukuyang inaalam ang kinaroroonan ng lalaking biktima. (Beth Samson)