Aktres may post sakay ng eroplano espekulasyon patungo sa kasal ng kaibigan… DIMPLES BUMIYAHE PATUNGONG IBANG BANSA
Advertisers
Ni Beth Gelena
Nag-upload ng pictures galing sa kanyang flight si Dimples Romana at ang kanyang asawa na si Boyet.
Walang nakalagay kung saan ang destinasyon ng mag-asawa.
Assume ng netizens na papunta siya sa Spain kung saan matutuloy ang grand wedding umano ng bestfriend na si Bea Alonzo.
Ano sa tingin ninyo, mga kaBulgary?
May iba na rin daw ibang malalapit na kaibigan ng Kapuso aktres kung saan ang isa pa raw kaibigan ni Bea ay papunta na rin daw doon.
May ulat pa ngang nauna na ring naroroon ang pamilya ni Bea upang paghandaan ang wedding na nakatakda na umano sa May 26.
May lumalabas ngang ulat at tsika na May 26 umano ang kasalanan ng dalawang personalidad.
Pero hanggang ngayon ay wala pa ring official confirmation mula mismo sa dalawa o sa kanilang kampo.
Sinasabing ipinaglaban daw ni Vincent ang relasyon nila sa kanyang mga magulang at nagpahayag pa umano ito kung gaano niya kamahal si Bea.
Dahil dito, napagtanto raw ng kanyang pamilya na si Bea talaga ang para sa kanilang anak.
Well, kung totoo nga ang ulat na ito, kapit lang! Sana nga ay matuloy na ang pinakahihintay na kasal.