Advertisers

Advertisers

Sa nakumpiskang P1.7M shabu: kinabukasan ng kabataan, protektado ng QCPD PS1

0 7

Advertisers

Sa mata ng mga kriminal, ang nasabat na P1.7 milyong halaga ng shabu ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 1 sa ilalim na pamumuno ni PLt. Col. Jose Luis Aguirre, ay malaking kawalan ng sindikato sapagkat ito ang takbo ng kanilang negosyo.

Ngunit, sa isang magulang – ang droga ay lason na sapat upang sirain ang kinabukasan ng daan-daang kabataan sa Kyusi.

Kaya sa matagumpay na operasyon ng PS 1 nitong Mayo 12, nararapat lamang na saluduhan ang istasyon sa pagtataya muli ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng nakararami sa lungsod.

Ang operasyon ay isa na namang patunay ng determinasyon para sa direktiba ni PBGen. Silvio laban sa pagkakalat ng ilegal na droga sa lungsod.

Sa pagkaaresto ng mga tauhan ni Lt. Col. Aguirre, kina alyas “John Paul” at “Joshua” sa Brgy. Sto. Domingo, resulta ito ng masusing intelligence work at mabilis na aksyon mula sa impormasyon ng isang concerned citizen. Ipinapakita dito na buhay na buhay ang ugnayan ng pulisya at ng mamamayan sa Lungsod Quezon.

Hindi lamang droga ang nakuha, kundi maging isang ilegal na baril na maaari sanang gamitin sa karahasan.

Kaya kung susumahin, ang panalo sa mabilisang aksyon ng tropa ni Lt. Col. Aguirre sa sumbong ay hindi ang halaga ng perang katumbas ng nakumpiskahang shabu, kundi ang proteksyon ng ating mga kabataan. Ang bawat sachet ng shabu na nakuha ng PS 1 ay katumbas ng mga buhay na nailigtas mula sa bangungot ng adiksyon.

Sa araw-araw na isinasagawang operasyon ng QCPD at sa pagbibigay halaga sa impormasyon mula sa komunidad, mas tumitibay ang tiwala ng publiko sa ating kapulisan.

Mabuhay ang QCPD PS 1!