Advertisers
ISANG airport worker ang inaresto ng PNP-Aviation Security Group matapos na matuklasan mula sa kanyang pag-iingat ang umano’y marijuana na nakatago sa kamay nito habang nasa security screening point sa North gate 101 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Miyerkules, May 13,2026.
Ang empleyado ay isang 28-taong-gulang na lalaki, station loader at residente ng Muntinlupa City.
Ayon sa pulisya, isang security personnel ang nakatuklas sa umano’y iligal na droga mula sa isang maliit na pulang pouch na nakatago sa baywang ng suspek habang nagsasagawa ng manual inspection.
Narekober ng pulisya mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 0.5 gramo ng pinatuyong dahon na pinaniniwalaang marijuana na may tinatayang presyong PhP60.00, dalawang improvised na tubo, at dalawang employee identification card na may pangalan ng suspek.
Ang airport worker ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Seksyon 11 at 12, Artikulo II ng Batas Republika Blg. 9165. (JOJO SADIWA)