Advertisers
Ni Beth Gelena
Kinumpirma na ni Alexa Ilacad na disband na ang loveteam ng reel at real loveteam na si KD Estrada.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang fandom page nilang “KDLex International Sweethearts” kung saan inanunsyo ang naging desisyon ng dalawa na tuldukan na ang kanilang tambalan.
Naapektuhan umano ang kanilang relasyon dahil sa “circumstances, external factors, at sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Nagkahiwalay man, tiniyak ng dating magkarelasyon na mananatili ang respeto, malasakit, at pagkakaibigan nila sa isa’t isa.
Emosyonal namang nagpasalamat si Alexa sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng repost ng naturang pahayag sa kanyang X account. Ayon sa aktres, hindi niya malilimutan ang lahat ng sakripisyo, suporta, tawanan, at alaala na pinagsamahan nila ng fans sa buong panahon ng KDLex.
Dagdag pa niya, mananatili ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanilang supporters basta’t may respeto pa rin sa bawat isa kahit hiwalay na sila.
Matagal nang usap-usapan online ang umano’y hindi na nagkakasama sina Alexa at KD sa mga proyekto. Ang Pira-pirasong Paraiso noong 2023 ang huli nilang teleserye bilang loveteam.