Advertisers

Advertisers

Ilang NBI agents naniniwalang palabas lang ang barilan sa Senado

0 5

Advertisers

ILANG tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naghihinalang “sinadya” o staged ang naganap na pamamaril sa Senado Miyerkules ng gabi, upang makatulong sa pag-alis ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ayon kay NBI Director Melvin Matibag nitong Huwebes.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na walang ibinigay na instruksyon para arestuhin ang senador at inatasan lamang ang NBI na umatras matapos ang desisyon ng Korte Suprema.
Gayunman, nilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro na nagpadala ng tauhan ang NBI bago mag-6:00pm sa GSIS building, kungsaan matatagpuan ang opisina ng Senado, matapos humiling ng tulong ang GSIS para sa seguridad ng kanilang lugar.
Giit ni Castro, walang assault o operasyon para arestuhin si Dela Rosa ang isinagawa ng NBI o PNP.
Ayon naman kay Matibag, ang unang pakay ng NBI ay alisin ang lock ng isang pinto na nag-uugnay sa Senado at GSIS dahil ang susi umano ay nasa Senado. Wala rin ani-yang combat gear ang mga tauhang nakita at pawang pang-access lamang sa lugar ang kanilang tungkulin.
Paliwanag niya, nagkaroon ng tensyon nang harangin ng Senate Sergeant-at-Arms ang NBI agents na nauwi sa pagpapaputok ng warning shots.
Inamin naman ni Senate Sergeant-at-Arms chief Mao Aplasca na siya ang nag-warning shot matapos makita ang mga taga-NBI na may mahahabang armas na bitbit.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, 27 putok ang nanggaling sa personnel ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms, habang lima mula sa opposing side.
Ayon pa kay Matibag, may ilang NBI personnel na naniniwalang “staged” ang kaguluhan, dahil sa kalituhan sa pagkawala ni Dela Rosa sa gitna ng Senate lockdown at sa umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court kaugnay ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Dagdag niya, tiniyak umano ng Senado na ihaharap nila si Dela Rosa anumang oras na kailangan sa ilalim ng protective custody arrangement.
Samantala, mariing itinanggi ni Castro ang alegasyon ng cover-up at sinabing: “Tandaan po natin, ang Bagong Pilipino ay para sa katotohanan at hindi para sa pagko-cover up.”