Advertisers
Ni Anne Venancio
Tinuloy ni Yasmien Kurdi ang pag-aaral ng abogasya habang aktibo sa showbiz career dahil gusto nitong maprotektahan ang kanyang sarili at pamilya laban sa mga isyung kinakaharap.
Sey ng aktres, “Sa totoo lang, mahal ko ang trabaho ko bilang artista. Pero dahil sa mga pagbabago sa buhay at mga nangyayari ngayon, kailangan mo ring matuto ng ibang skills para sa survival. Bilang artista, madalas kang napupunta sa mga isyu. Gusto kong matutunan ang batas para alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko at ang pamilya ko.”
Matatandaang noong Marso 2026 ay bumalik siya sa pag-aaral sa Arellano Law School matapos niyang magtapos ng AB Political Science bilang magna cum laude noong 2019 dahil matagal na niyang pangarap ang maging abogada.
Aminado ang aktres na mahirap ang mga pinagdaanan niya sa law school.
“Kapag law student ka, kailangan talagang magbasa nang magbasa. Kapag hindi ka masipag, maiiwan ka,” dagdag niya.