Advertisers
Ni Anne Venancio
Parang teleserye ang kwento ng tambalang Coco Martin at Julia Montes, mula sa iconic na ABS-CBN drama na “Walang Hanggan” hanggang sa kanilang real-life na pag-iibigan na suportado ng fans, na tinaguriang “CocoJul.”
Matatandaang nagkakilala ang dalawa noong late 2000s sa ilang proyekto at events, pero sa “Walang Hanggan” noong 2012 mas tumibay ang kanilang samahan.
Hindi agad naging maganda ang working relationship nila dahil sa pagiging istrikto ni Coco sa trabaho, habang abala naman si Julia sa kanyang career pero unti-unting nawala ang awkwardness sa pagitan nila at naging mas maayos ang kanilang samahan sa set. Mula sa simpleng “hi” at “hello,” nauwi ito sa mas malalim na pagkakaibigan at nung 2023, kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon.
Para kay Coco, mahalaga sa kanila ang privacy at suporta sa isa’t isa, habang si Julia naman ay naging katuwang niya hindi lamang sa personal na buhay kundi pati sa trabaho.
Abala ang mga ito ngayon sa bagong serye na “Sigabo,” kung saan gumaganap si Coco bilang lead actor at isa sa mga creative force ng proyekto, habang si Julia ay kabilang sa pangunahing cast na nagbibigay-buhay sa isang mas matured at mas intense na karakter.