Advertisers

Advertisers

KAMOTE VLOGGERS

0 4

Advertisers

KAPANIPANIWALA sa una, pero pagkalaunan, ay malalaman mong ‘fake news’ pala. Ganyan ang mga balitang iniuulat ng mga vloggers.

Kung may kamote riders sa kalsada, may kamote vloggers din sa social media.

Ngayon na lamang din naman nauso iyang mga vloggers, basta may cellphone. Sabi nga ng isang kaibigan ko, dalawa singko na ang mga vloggers dito sa Pinas. At kung kailangan mo ng back up, lalo na kung may isyu ka na gusto mong paputukin, ay ibigay mo na agad sa mga vloggers.

Dahil sa mga vloggers, ang verification o’ pagbibiripika sa mga kaganapan halimbawa, ay wala na. Hindi na yan ginagawa ng mga vloggers. Bibira at bibira na agad ang mga iyan. Di lamang sa perang kikitain dahil sa dami ng kanilang followers sa social media, kung di sa pera pa rin na ibibigay ng nagpaputok halimbawa ng isang isyu.

Vloggers na rin, ang dahilan ng pagkasira ng sinoman, mapapolitiko, artists, at kahit na mga religious lider pa. Pagnagawa lang content, ng blogger, todas ka na. Biglanng dadami ang magagamit sa iyo, kamumuhian ka, sisihin at mumurahin pa.

Malayong malayo sila sa mainstream media, yun bang lehitimo. Mga sumailalim sa pag-aaral kung paano gumawa at magbalita. Umaako ng repsonsibilidad at may sinusunod na ethics.

Sa mga vloggers, walang ganyan. Gaya ng sabi ko bira lang nang bira. At kahit ngayong mayroon na tayong mga batas, cyber crime laws ika nga, maging cyber libel, ay tila wala pa rin makapagpigil sa kanila.

Kaya naman ang iba ay sumabit na, naihabla ng kanilang mga tinira, ang iba ay nakulong pa. Kaya sana timbangin natin maigi muna ang nabalitaan natin. Kilatisin kung saan ito galing. Nang sa ganun, ay di tayo naloloko at nagagawang katawan-tawa.

Parang kamote riders lang din, pasok nang pasok, walang busina, kahit alam niyang di lulusot.