Advertisers

Advertisers

Mayor Isko dumistansya sa ingay sa pulitika

0 4

Advertisers

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na hindi makikisali sa alitan o nangyayaring gulo ngayon sa bansa.

Sa flag raising ceremony , hinimok din ng alkalde ang mga kapwa niya lingkod bayan na lumayo sa ingay at huwag gawing toxic ang kanilang buhay.

“Unang-una lumayo kayo sa mga bagay na hindi nyo kayang kontrolin , magfocus kayo sa mga bagay na kaya nyong kontrolin ,gampanan,tugunan at gawin’, paalala pa ni Mayor Domagoso sa mga kawani at kapwa lingkod bayan at idinagdag na ang ingay ng pulitika ay makikinabang lamang ang mga pulitiko .

Binigyang-diin din ng alkalde na ang mga nasa gobyerno ay inaasahang maghahatid ng serbisyo sa publiko na inaasahan ng taumbayan kaya ito ang dapat na ipagpatuloy at pagtuuunan.

Aminado ang alkalde na nalulungkot siya sa mga nangyayari sa bansa ngunit binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtugon sa pangangailangan ng Manileño at mga serbisyo ng pamahalaang lungsod .

Ang pahayag ng alkalde ay sa harap ng mga nangyayaring kaguluhan ngayon na nangyayari sa bansa na aniya ay marami na ang nagsasabi sa kanya na litong-lito na rin sa mga lider ng bansa (Jocelyn Domenden)