Advertisers

Advertisers

Laya ng pananampalataya sa MCJMD

0 29

Advertisers

Dama ito ng bawat person deprived of liberty (PDLs) sa Manila City Jail Male Dormitory (MCJMD) na nasa pamumuno ni JSupt. Michelle Bonto. Ramdam ng PDLs ang laya at respeto ng paniniwala nang bigyang halaga ni Bonto ang mga kapatid na Muslim ng oras upang makabahagi sa pagdiriwang ng Eid al–Adha.

Bilang isa sa mga pinakabanal na pagdiriwang sa Islam, ang okasyong ito ay ipinagdiriwang ng milyun-milyong Muslim sa buong mundo sa pamamagitan ng maramihang pagdarasal sa umaga, maligayang pagsasama-sama ng pamilya, mga pagkakawanggawa, at ang tradisyonal na pag-aalay ng mga hayop kung saan ang karne ay ipinamamahagi sa mga nangangailangan.

Sa Pilipinas, ang pagdiriwang na ito ay itinuturing na isang pambansang regular na holiday, kung saan daan-daang Muslim ang naglaan ng oras upang magdiwang kahit sa loob ng mga pasilidad ng piitan sa bansa.

Sa MCJMD, may kabuuang 234 na Muslim PDL ang nakiisa sa pag-alaala sa sagradong okasyo.Nagpasalamat ang United Ulama Council, sa pamumuno ni Ustadz Yunus Abdulmuin, kay MCJMD Warden Supt. Bonto para sa pagtutulungang naging dahilan upang maging makabuluhan ang aktibidad ayon sa kanilang relihiyon.

Ang mensahe ni Abdulmuin sa mga debotong PDL ay nakatuon sa pagsunod sa mga turo ng Diyos saanman sila naroroon…”sumunod sa Panginoon at sumunod sa Propeta at sumunod sa sinumang namumuno sa inyo,” diin niya.

Nagsimula ang panrelihiyong gawain sa pamamagitan ng mga panalanging Eid al-Adha mula kina Bensar Abdulmuin at Arameer Salarani, na sumisimbolo sa pananampalataya, sakripisyo, at debosyon kay Allah.

Ayon kay Supt. Bonto, malaki ang kahulugan ng pagdiriwang na ito para sa mga Muslim PDL, dahil nagsisilbi itong mapagkukunan ng lakas ng loob at pag-asa habang nasa loob ng pasilidad – sa pamamagitan ng sama-samang panalangin, mga talakayang panrelihiyon, at pakikipagkapwa-tao, nabigyan ang mga Muslim PDL ng pagkakataon na mapalalim ang kanilang pananampalataya at mapatibay ang kanilang relasyon kay Allah habang nasa loob ng piitan.

Sinabi ni Bonto, ang paggunita ng Eid al-Adha sa MCJMD ay nagpapakita ng paggalang sa kalayaan sa relihiyon.

***

Ops medyo maiba naman tayo ng kaunti at talakayin ang tungkol sa natuklasan ng Coalition 169 sa isang kinukuwestiyon nilang ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO).

Sa kabila ng mga seryosong duda sa legalidad, patuloy ang LTO sa pagpapatupad ng LTO IT System ng Stradcom sa Regions 9, 10, 11, 12, at CARAGA. Ayon sa Coalition 169, tila nilaktawan ng ahensya ang mandatoryong pag-apruba mula sa Department of Economy, Planning and Development (DepDev), na dating NEDA).

Anang grupo, ang kawalan ng clearance na ito ay isang malaking red flag dahil ang DepDev approval ang natatanging proteksyon ng publiko upang matiyak na hindi sila singilin sa ilalim ng kasunduang Build, Own, Operate (BOO).

Maliban sa isyu ng pera, sinasabi ng grupo na malaking banta rin ito sa seguridad ng publiko dahil sa ulat na gumagamit ng mga QR code domain na hindi pagmamay-ari ng gobyerno sa mga opisyal na transaksyon ng LTO sa ilalim ng Stradcom.

Kapag ang sensitibong impormasyon ng taumbayan ay iprinoseso sa labas ng opisyal at kontroladong digital infrastructure ng pamahalaan, nilalagay nito ang bansa sa matinding data privacy at cybersecurity risks. Kinuwestiyon din kung bakit hinahayaang magamit ang mga computer workstation ng gobyerno para sa mga pribadong transaksyong BOO. Nangako ang Coalition 169, sa pamumuno ng kanilang tagapagsalita na si Johnny Gomez na hindi sila titigil sa paghahabol sa batas at paghingi ng pananagutan hangga’t hindi ganap na nasasagot ang mga anomalya sa digital modernization ng LTO.