Advertisers
ISA si Senador Jinggoy Estrada sa mga pinakabeterano sa Senado. Kaya kabisado na niya kung paano lustayin ang pondo ng publiko.
Oo! Sa mga beteranong Senador ngayon, si Jinggoy ang bukod tangi na tatlong beses nang nakasuhan ng pandarambong o plunder sa nakalipas na 25 years, at dalawang beses nang nakulong ng mahaba-habang panahon.
Ang unang plunder niya ay nangyari noong pangulo pa ang kanyang amang si Erap, kungsaan sabay silang nakulong. Inakusahan siyang sa kanya dumadaan ang jueteng payola para sa erpat. Pero nadismis ang kaso dahil sa teknikalidad o kakulangan ng ebidensiya kuno.
Sa kanyang ikalawang plunder, inakusahan siyang nagpadaloy ng kanyang pork barrel fund sa mga pekeng foundation ni Janet Lim-Napoles. At the end, tulad ng una niyang kaso, nabasura ito dahil din sa kakulangan kuno ng ebidensiya. Pero si Napoles ay nakakulong hanggang ngayon.
Dito sa ikatlong plunder niya, tungkol sa P573 million kickback sa ghost flood control project sa Bulacan, ewan lang natin kung ano ang mangyayari sa kanya rito. Kakasampa lang kasi ng Ombudsman ng kaso sa Sandiganbayan. Pero nitong Biyernes ay nag-isyu na ng arrest warrant ang graft-court sa kasong ‘graft’ na isang bailable offense.
Inaabangan pa ang sa Plunder.
Ang plunder ay kasong walang piyansa, pero nalusutan ni Jinggoy ang unang dalawang kaso niya, dahil narin siguro sa husay magmaneobra ng kanyang abogado.
Gayunpaman, malusutan man ni Jinggoy ang bagong plunder case niyang ito, malalagay parin sa kasaysayan ng mga senador na bukod tangi siyang naka-grandslam sa pandarambong. Yak!!!
Dapat ay tigilan na nating mga Pinoy ang maghalal ng paulit-ulit ng isang politiko na tainted ng katiwalian. Tuldukan sa 2028!
***
POSIBLE madagdagan ang bilang ng mga senador sa minority bloc.
Sinabi ni Senador Erwin Tulfo na may dalawang miyembro ng majority bloc na maaaring lumipat ng hanay kasunod ng mga kaganapan sa Senado nitong mga nakaraang linggo.
Sa panayam sa ‘Storycon’ ng One News, sinabi ni Erwin na tila nadismaya ang naturang dalawang senador sa mga nangyari kamakailan sa Senado, kungsaan sobra nang nakakahiya sa publiko.
“Dalawa sa kanila na probably after what happened, talagang medyo disgusted din naman, hindi sila makapaniwala. So probably these two, probably we can talk to them over the weekend,” say ni Erwin.
Ang dalawang senador ay: ang isa kaibigan ni First Lady Liza Araneta, at ang isa ay medyo mataray. Abangan sa Lunes!
***
Talamak na uli ang mga “paihi” sa CALABARZON. Nagkasundo na raw kasi ang “bagman” ng PNP regional director at ang mga sindikato ng paihi sa rehiyon partikular sa Batangas at Cavite.
RD, General, Sir! Baka puros bukol kana dyan???