Advertisers
TINANGGAL sa puwesto at inilagay sa restrictive custody ang isang pulis matapos ang vehicular incident na kinasasangkutan nito at ng 76-anyos na driver ng barangay sa Taguig City.
Sa kumalat na video sa social media, makikitang sapilitang pinosasan ng pulis ang matanda na humihingal pa, matapos silang magkaroon ng girian habang sakay ng kani-kanilang sasakyan.
Ayon sa ulat, dinala ng naturang pulis ang matanda sa istasyon ng pulis, kungsaan dinokumento ang nangyari at nagresulta naman sa pagkakaayos.
Gayunpaman, nagsasagawa na ng masusing imbestiga-syon ang pulisya sa nangyaring insidente, na viral nga-yon sa social media.
Kinondena ng Rizal Police ang hindi angkop na pag-uugali ng kanilang tauhan.