Advertisers
UMABOT na sa anim katao ang nasawi sa salpukan ng isang pampasaherong tricycle at mini SUV sa Barangay Abung, San Juan, Batangas nitong Martes, Hunyo 2.
Ayon sa report ng San Juan Police Station, ang driver lamang at dalawang pasahero kabilang ang isang dalawang taon gulang na bata ang nakaligtas sa siyam na sakay ng tricycle.
Kabilang sa nasawi ang limang babae at isang lala-king pasahero nito kungsaan lima sa mga ito ay dead on the spot, at ang isa ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.
Batay sa report ng pulisya, 2:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente habang patu-ngong south direction ang tricycle at patungong direksyon ng San Juan town proper ang kasalubong na SUV na minamaneho ng 66-anyos na babaeng Filipino-US citizen na pansamantalang nagbabaka-syon sa Barangay Subukin, San Juan.
Bigla umanong sinalubong ng mini SUV ang linya ng tricycle na sinubukan pang umiwas subali’t inabot din at nahagip ng sidecar na bahagi nito.
Sa lakas ng bangga, wasak ang tricycle at tumilapon ang mga sakay.
Isinugod pa ng mga nagrespondeng pulis at mga rescuer ang mga biktima sa ospital, at patuloy na ginagamot ang tatlo.
Nadamay din sa salpukan ang isang coaster bus na kasu-nod ng tricycle.
Inaresto ng mga pulis ang driver ng mini SUV na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties.