Advertisers
KATAWA-TAWA ang naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee – Alan Peter Cayetano faction hinggil sa flood control projects anomaly last Thursday, June 4, 2026.
Mantakin mo, mga pare’t mare, ang mga tanong ni Senador Rodante Marcoleta, ang sub-committee chairman, sa kanilang resource persons na 18 ex-Marines, ay siya rin mismo ang sumasagot. Pinagsasalita lang niya ng konti ang tinatanong at siya na ang nagpapaliwanag sa sagot. Para ngang temang. Hehehe…
Sabi nga ng content creator na si Atty. Race del Rosario, parang hindi abogado si Marcoleta kung magtanong. Napaghahalata raw tuloy na mas may alam pa siya kesa tinatanong. Oo nga. Hehehe…
Halata naman talaga na puros gawa-gawa lang ang kuwento ng mga dating sundalo na pag-deliver kuno ng male-maletang kuwarta sa mga mambabatas at ilang indibidwal na matagal nang patay. Aray ko!
Kung inyo pang naaalala, nang unang humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon na noo’y pinamumunuan ni Marcoleta, hindi nabanggit sa affidavit ng 18 ex-Marines ang pangalan ni Senador Tito Sotto, habang nabanggit naman noon ang pangalan nina Senador Loren Legarda at Mark Villar na mga umano’y tumanggap ng kickback mula kay ex-Congressman Zaldy Co sa flood control projects anomaly.
Pero nitong Huwebes, Hunyo 4, sa panibagong pagdinig ng SBR ng Cayetano faction, binanggit na si Sotto ay nadeliberan ng male-maletang kickback. Eh noong panahon na iyon ay hindi na pala senador si Sotto, at ang sinasabing AE nito na si “Mark” na siya raw tumanggap sa ilang maletang pera ay matagal na palang patay, 2015 pa. Hahaha…
Sa panibagong salaysay na ito ng 18 ex-Marines ay hindi na binanggit ang pangalan nina Legarda at Villar. Nagkaroon ng dagdag-bawas sa mga pangalan ng mga dinalhan nila ng male-maletang kuwarta. Animal!
Obviously, tahi-tahi lang ang mga kuwento ng mga dating sundalo kuno na umano’y mga dating security ni Zaldy Co na pinangakuan daw ni ex-Congressman Mike Defensor ng tig-P5 million para wakwakin ang mga mambabatas at personalidad na nagsampa ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Mismo!
Ang malaking problema ngayon ng 18 ex-soldiers ay sinampahan sila ng Cyberlibel ng mga mambabatas at personalidad na umano’y dinalhan nila ng male-maletang kickback.
Batid natin na ang per count ng Cyberlibel ay P40K ang piyansa at may parusang ilang taon kulong kapag nahatulan ng ‘guilty’.
Sigurado tayo na mahahatulan ng ‘guilty’ sa Cyberlibel ang mga ex-soldier na ito. At tiyak na magtatago rin sila tulad ni Senador “Bato” dela Rosa. Hehehe…
Oo nga pala, hindi na kinilala ng Palasyo, ni Pangulong “Bongbong” Marcos, ang liderato ni Cayetano sa Senado matapos magkaroon ng bagong liderato sa ilalim ni Senador Win Gatchalian nang ang dating minority senators ay naging 12 dahil sa pagsanib rito ni Sen. Chiz Escudero, at ang dating majority ay naging 10 nalang dahil sa pagtatago ni Bato at pagkakulong ni Sen. Jinggoy Estrada.
End of the road uli kay Cayetano. Tsk tsk tsk…