Advertisers

Advertisers

GABRIEL GO NG MMDA IDINEKLARANG ‘NO PARKING’ ANG SCHOOL ZONES; DI ISINASARA ANG PINTO SA PULITIKA

0 8

Advertisers

KAUGNAY ng pagsisimula ng pasukan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force (SOG-SF) Chief Gabriel Go na ang mga school zones ay ‘no parking areas,’ kasabay ng pahayag na di niya isinasara ang kanyang pintuan sa pulitika.

Sa kanyang pagdalo sa “MACHRA Balitaan” ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant, nagbabala si Go na hindi kukunsintihin ng MMDA ang mga motorista na gagamitin ang kapaligiran ng mga paaralan bilang parking o ‘waiting areas’.

Hinihimok din niya ang mga school authorities na i-report ang mga lalabag sa MMDA sa pamamagitan ng 24/7 hotline nitong 136 o sa Presidential Action Center 8888. Maari din umanong tumanggap ng mga reklamo ang MMDA sa pamamagitan ng Facebook page o Twitter account nito.

Aniya, nakasaad sa Republic Act 4136 na bawal pumarada kung saan mahaharangan ang mga fire hydrants, pedestrian crossings o kaya ay sa mga kanto ng kalsada, kasabay ng pahayag na ang public roads ay ‘for public use ‘at walang karapatan ang sinuman na harangan ito.’

“No parking zone ang paligid ng mga eskwelahan… di pupuwedeng me nakaparada. It’s actually a daily routine (clearing) na talagang pinaiigting po namin,” ani Go.

“Our way of addresssing the “Balik-Eskwela” is to provide continous mobility ng mga sasakyan na dapat ginagamit ang kalsada para mapabilis ang biyahe… ang mga sidewalks ay dapat ginagamit ng mga estudyante at senior and anyone, as long as you’re a pedestrian…. not just sidewalk but safe sidewalk,”paliwanag pa niya.

Samantala, sinabi ni Go na hindi niya tuluyang isinasara ang kanyang pinto sa pulitika kasabay ng paglilinaw na lahat ay ipinauubaya niya sa kapalaran bagamat wala siyang anumang plano na pumasok sa pulitika sa ngayon.

Nang piliting pumili kung national o local post ang mas gusto niya sakaling dumating ang pagkakataon na kailangan niyang gawin ito, sinabi ni Go na pipiliin niya ang national upang makapagsilbi sa mas maraming tao.

Napag-alaman na noong pandemya, si Go ay bahagi ng business sector at non-government organization na laging tumutulong sa mahihirap, sa pamamagitan ng feeding programs at community food pantries. (JERRY S. TAN)