Advertisers

Advertisers

CHINA: MALAKING PANGANIB

0 13,537

Advertisers

NANANATILING malaking banta ang China sa seguridad ng Filipinas. Patuloy na inaangkin ng China ang ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Hindi malayo na magising tayo ng isang umaga na nakaumang ang mga armas pandigma ng China at sapilitang kunin ang ilang lupain ng bansa. Patuloy na naghahasik ng lagim ang China.

Kahit hindi nila sabihin ng hayagan, batid natin na may polisiya ang China na palawakin ang kanilang sakop. Kailangan nila ng ating likas na yaman upang patuloy nilang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang industriya at lumalaking populasyon

Ito ang dahilan sa pagtatayo ng mga ilegal na istruktura sa sa Bajo de Masinloc na masidhing tinututulan ng bansa. May layong 120 milya lang ang Bajo sa dalampasigan ng Zambales at hindi panatag ang bansa sa nakaambang panganib sa mga istraktura. May pangamba na umpisa ito upang magtayo ng base militar sa Bajo.

Gayunpaman, hindi pa oras na gamitin bilang baraha ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos, ani Dr. Jay Batongbacal of the UP College of Law and the Institute for Maritime Affairs sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.

Masalimuot na usaping legal ang ginawa ng China, ani Batongbacal, dahil kinakatawan nito ang diwa ang pambansang soberanya. Hiningi ng Filipinas sa China na baklasin ang mga istraktura upang matahimik ang Filipinas.

“Basically, dahil ang issue dito ay sovereignty, malaki ang obstacle sa ngayon,” ani Batongbacal. “Hindi basta-basta nadadala sa korte ang isyu ng territorial sovereignty,” aniya. Kasalukuyang hinahanap ng gobyerno ang mga paraang legal upang mapatigil ang China sa kanilang mga aktibidad sa Bajo.

“Pero pinag-aaralan din po…kung ano pang ibang paraan para pwede silang madala sa isang tribunal,” ani Batongbacal. Payag siya na muling dalhin ang isyu sa isang hukuman pandaigdig at sa isang hiwalay na pahayag, pumayag din si Tony Carpio, ang retiradong mahistrado ng Korte Suprema sa panukalang hakbang.

“Ang choice muna ay nasa atin, policy decision po ‘yan kung i-consider natin itong latest activities nila, ang pag-conduct ng marine scientific research bilang isang act of aggression,” ani Batongbacal.

“Sa ngayon pwede pang iatras, pwede pang tanggalin ang mga istruktura doon, parang hindi pa po timely para invoke ang MDT in the sense para gamitin at tanggalin by force ang mga structure na yan,” aniya.“So ito ang alalahanin natin ay isa lamang instrumento at isang aspeto lamang ng ating security arrangements with other countries, particularly with the US,” aniya.

“Pero marami din tayong security arrangements with other partners like Japan, Australia, etc.,” aniya. Nagbabala siya na kung magtagumpay ang China na naging base militar ang Bajo de Masinloc, diretsong malaking panganib ito sa Luzon. “Magiging military base ng 120 nautical miles lang from Manila, from Luzon essentially,” aniya. “Hindi talaga natin pwedeng tanggapin yan,” dagdag niya.

***

PATULOY ang paghahanda ng Kilusang Risa Na sa halalang pampanguluhan sa 2028. May mga itinayong sangay ang kanilang kampanya sa lalawigan ng Iloilo at Guimaras. Aktibo nilang hinihikayat ang mga lider pulitikal sa mga lalawigan na suportahan ang kanyang kandidatura sa 2028. Tahimik lang ngunit tuloy-tuloy.

Plano ng kilusan na itayo ang base ng suporta sa Mindanao kahit nabalitang “malakas” umano si Misfit Sara. Hindi dapat kasindakan ang lakas umano ni Misfit sa Mindanao dahil hindi tanga kaparis nila ang mga botante ng Mindanao. Maganda na unahin ang mga lalawigan na nabandong malakas ang kalaban.

Hindi na masyadong maingay ang mga tagahanga ni Leni sa pagbuyo na tumakbo siya muli. Salamat naman. Mukhang natauhan na sila na hindi talaga tatakbo ang kanilang diyosa. Hayaan na lang nila si Leni sa Naga City. Tama sa kanya na manatiling alkalde doon.

***

SA takbo ng mga pangyayari sa Senado, tuluyang natalo na si Alan Peter Cawatano. Hindi na siya ang Senate President. Pinakamaganda na itaas na niya ang puting bandila bilang pag-amin ng kanyang pagkatalo. Huwag na siyang magpanggap na nananatili siyang pangulo ng Senado. Hindi iyon totoo at hindi iyon mangyayari.

Walang batayan na igiit niya na siya ang Senate President. Maliban sa sarili niya, walang kumikilala na siya ang lider ng Senado. Kahungkagan ang lahat ng kanyang sinasabi. Nangangarap lang siya ng gising.