Advertisers
ARESTADO ang isang babaeng pulis at kasamang lalaki ng mga anti-narcotics agents sa buy-bust operation sa Koronadal City, South Cotabato nitong Martes.
Ayon sa local executives sa Koronadal City at mga miyembro ng city peace and order council reporters, kapwa nakakulong na ang mga nadakip na kinilalang sina Corporal JL Jane Jance, 35 anyos; at Harry Braña, sa isang police detention facility sa Koronadal City.
Sinabi ng Koronadal City Police at Police Regional Office 12 sa mga mamamahayag na ang nasabing policewoman at kasamang lalaki ay dinakma ng mga operatiba na nagpanggap na mga adik ng droga nang mabentahan sila ng dalawa ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, sa buy-bust operation sa Purok Pagkakaisa, Brgy. San Isidro, Koronadal City, Martes ng hapon.
Sina Jance at Braña, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay nalambat sa tulong ng mga residente na nag-tip sa kanilang aktibidad sa pagkakalat ng ilegal na droga.