Advertisers

Advertisers

Pre-trial conference sa impeachment case ni VP Sara umarangkada na

0 10

Advertisers

NAGING maayos ang unang araw ng pre-trial conference para sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte nitong Huwebes.

Sinabi ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng Defense Team ni VP Sara, nagkasundo ang depensa at prosekusyon sa listahan ng mga testigo at sa iba pang mga proposals na isusumite nila sa susunod na Lunes.

Sa apat aniya na consolidated articles of impeachment ay isa pa lang ang natatapos nilang markahan ang mga ebidensya ngayong hapon at kung kakayanin ay posibleng matapos pa ang isa ngayon.



Klinaro naman ni Poa ang lumabas na mga balita na nagkaroon ng tensyon sa pagitan nila sa defense at ng prosecution team.

Paliwanag ni Poa, naging maayos ang proseso sa pre-trial conference at walang tensyong nangyari dahil normal lamang sa mga pre-trial ang may palitan ng sagot hindi lang sa impeachment kundi pati sa mga regular na kaso.



Samantala, sa Lunes muling ipagpapatuloy ang pre-trial conference para sa markings ng evidence sa mga natitirang articles of impeachment.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">