Advertisers

Advertisers

Cayetano: Nasa gitna ng nation-building ang pakikipaglaban sa katiwalian

0 5

Advertisers

Nanindigan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na ipagpapatuloy ng kanyang grupo ang pagsusulong ng nation-building at mga reporma laban sa katiwalian kahit lumipat sila sa minority matapos ang kamakailang pagbabago ng liderato sa Senado.

Sa isang Facebook Live nitong June 18, dinepensahan ni Cayetano ang naging trabaho ng kanilang hanay noong siya pa ang Senate President, kasabay ng pagtanggi sa mga paratang na hindi sila naging aktibo o epektibo.



“Y’ung sinasabi nilang hindi nagtrabaho, walang katotohanan [iyon], panay kasinungalingan. Never naman tayo tumigil sa pagtatrabaho. Ang kwestyon, ano’ng trinatrabaho natin? [Iyon ay] nation building,” ayon kay Cayetano.

Sinabi ng minority leader na ang pagbabago sa liderato ng Senado ay bahagi ng mas malawak na issue sa pamamahala, lalo na sa paglaban sa korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, na aniya ay malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa.



“Our economy is suffering, we have to recover. Iyong flood control scandal, iyon siguro ang pinakamalaki [na corruption]. Pero napakarami pa na systematic corruption na hindi na pag-uusapan,” sabi ni Cayetano.

Idinagdag niya na pareho man ang layunin ng dalawang kampo sa Senado, nagkakaiba sila sa paraan at prayoridad ng pagpapatupad nito.



“Don’t take it away from us. Y’ung amin pong grupo, want to build a nation. Good faith tayo. Meron kayong vision of a nation you want to build. Meron kaming vision nung gusto natin i-build,” aniya.

Binigyang diin din niya na ang nation-building ay dapat nakaugat sa matibay na institusyon na nakabatay sa batas at pananagutan.

“Saan natin [pwedeng] umpisahan y’ung nation building? Sa pundasyon [at] rule of law. ‘Di ba? Regime of justice and truth,” sabi niya.

Nanawagan si Cayetano sa publiko na manatiling nakatutok sa gobyerno sa gitna ng mga tensyon sa pulitika at mga alegasyon ng korapsyon.

“It’s time for real change. Mga kababayan, huwag po tayong susuko. Let’s all do our best and let’s keep praying … let us build this nation that we love and let us serve the God that we love,” sabi ni Cayetano.