Advertisers
IBINALIK ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang reklamong ‘obstruction of justice’ laban kay Senador Robin Padilla.
Ito’y may kaugnayan sa pagtulong ni Padilla para makatakas si Senador “Bato” dela Rosa sa Senado noong Mayo 14.
Paliwanag ni Justice Secretary Fredderick Vida, humiling ang prosecutor ng karagdagang dokumento at sinumpaang salaysay mula sa ilang indibidwal na sangkot sa kaso.
Aniya, nagpadala rin ang DOJ ng isang liham kay Atty. Jimmy Bondoc, abogado ni Dela Rosa, upang humingi ng paglilinaw sa ilang pahayag nito kaugnay ng pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa senador.
Si Sen. Dela Rosa ay may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC), na in-unseal Mayo 11 sa kanyang paglitaw sa Senado matapos ang ilang buwang pagliban.
Isinailalim siya sa ‘protective custody’ ng Senado nguni’t kalaunan ay palihim na umalis ilang oras matapos ang nangyaring kaguluhan at putukan sa Senate building.