Advertisers
WALA pang natatanggap na anumang opisyal na komunikasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kina Senador Bong Go at dalawang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP).
“Wala pa po. Wala po kaming nare-receive pa. Walang communication ng warrant. Hindi ko po alam kung saan nanggagaling… si Congressman Pulong Duterte kung anong warrant po sinasabi niya,” pahayag n NBI Director Melvin Matibag.
Nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 17, sinabi ni Davao City Representatve Paolo “Pulong” Duterte na ayon sa isang “highly reliable source”, naglabas na ang ICC ng warrant of arrest laban kay Go at dalawa pang pulis.
Nilinaw naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at PNP na wala pa silang natatanggap na anumang opisyal na dokumento kaugnay nito.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi naman ni dating Senador Antonio Trillanes na walang katotohanan ang post ni Pulong. Aniya, kung maglabas man ang ICC ng arrest warrant, malalaman lamang ito kung aarestuhin na ang tao tulad ng nangyari kay dating Pangulo Rody Duterte.
Si Trillanes ang nanguna sa pagsampa ng kaso sa ICC laban kina Duterte.
Si Sen. Bato ay mayroon nang ICC warrant bilang isa sa co-perpetrators ni Duterte sa kasong crime against humanity, pero nakatakas ito mula sa ‘protective costudy’ ng Senado na noo’y pinamumunuan ni Sen. Alan Cayetano.