Advertisers

Advertisers

Richard Quan bahagi ng bagong seryeng “Sigabo,” saludo kay Coco Martin

0 11

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

AFTER ng “Batang Quiapo,” makakatrabahong muli ni Richard Quan ang tinaguriang Hari ng Aksiyon sa Ating Henerasyon na si Coco Martin, kasama si Julia Montes. Ito’y sa pamamagitan ng bagong serye na “Sigabo.”

Sa aming panayam sa versatile na aktor, sinabi ni Richard ang ilang detalye ng kanuilang bagong serye.

“Action – comedy – romance ang tema ng seryeng Sigabo. Sa June 22 na ito magsisimula, sa multiple platforms, kasama ang TV5,” panimula ng aktor.

Wika pa ni Richard sa tanong namin, “Bakit Sigabo ang title? Aside from Gabo ang name ng character ni direk Coco… sigabo means nag-aalab, puwedeng damdamin o situation.”

Bakit sa palagay niya, after ng Batang Quiapo, isinali siya ulit ni Coco sa new project na ito?

“Base sa experience ko, malaking factor na nakikita ni direk Coco at ng staff niya yung dedication at hardwork ng mga actor, yung hindi ka sakit ng ulo ng production at nagagampanan mo nang maayos yung character na ibinigay sa iyo.

“On my part, I always do my best na maging mataas ang standard ng professionalism ko… Kaya siguro nakasama ulit ako sa Sigabo,” sambit pa ng mahusay na veteran actor.

Nabanggit din niya kung anong klaseng experience sa kanya ang pagsabak sa motorcade para sa seryeng ito.

“Kakaiba rin, nakakapagod pero sulit, kasi nakikita at nakakamayan mo ang mga fans. Ang sarap din ibalik sa mga fans yung loyalty nila sa pamamagitan ng personal na nakikita at nakakamayan sila.”

Pinuri rin ni Richard si Coco bilang aktor/director.

Aniya, “Bilang aktor, alam naman ang kalibre niya, pero yung alam niya ang gusto ng mga audience, yun ang special sa kanya.

“As a director, bibilib ka rin talaga, kasi, malinaw siyang magbigay ng instruction at alam niya ang kanyang ginagawa, at kalmado siyang magdirek.

“Idagdag ko na rin bilang tao – unbelievable yung humility niya, sa kabila ng mga na achieve nya, grounded pa rin siya. Ikaw ang mahihiya na hindi magpakumbaba. Inspiring talaga si Direk Coco,” sambit pa ni Richard.

Ang action-drama serye na Sigabo ay mapapanood sa TV5 simula Hunyo 22, 8 p.m., kasabay ng pag-ere nito sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.