Advertisers

Advertisers

JANICE DE BELEN, ‘DI MAHULAAN KUNG HANGGANG SAAN AABOT ANG RELASYON NINA KAILA AT DANIEL

0 20

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi matiyak ni Janice de Belen kung pangmatagalan ang relasyon ng anak niyang si Kaila Estrada at aktor na si Daniel Padilla. Para sa aktres, ang mahalaga ay masaya ang kanyang anak.

Sa panayam sa YouTube program na Ogie Diaz Inspires, sinabi ni Janice na mahirap hulaan ang magiging takbo ng isang relasyon dahil hindi lahat ng inaasahan ay nagiging totoo.



Tiwala naman siya na alam ni Kaila ang dapat gawin sakaling hindi na siya masaya sa kanyang relasyon.

Napansin din ni Janice na mas pinipili na ng kabataan ngayon na tapusin ang relasyong hindi na maayos kaysa patagalin pa ito.



Samantala, nagkaroon noon ng relasyon sina Janice at Aga Muhlach, na nagbunga ng kanilang anak na si Igi Muhlach.

Ikinasal sina Janice de Belen at John Estrada noong 1992 at biniyayaan ng apat na anak. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2004.



Ibinahagi rin ng aktres na halos dalawang dekada na siyang walang karelasyon at wala na siyang planong mag-asawa muli.