Advertisers

Advertisers

MADLANG PIPOL SANG-AYON MAS NAKATATAKOT ANG KATANGAHAN

0 25

Advertisers

Ni Ethel G.

MADLANG pipol na ang umamin na mas nakatatakot ang katangahan sa panahon ngayon.

Matapang na pinanindigan ni Sam Ri ang kanyang sagot na naging susi para masungkit niya ang korona bilang weekly finalist sa Beklamation round ng It’s Showtime noong Sabado.



Dalawang natitirang kalahok sa naturang segment ang tinanong ng hosts na sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro:

“Sa panahon ngayon, anong mas nakakatakot, katangahan o kasamaan?”



Walang pag-aalinlangan na pinili ni Sam ang katangahan. Aniya, isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming tao ang nabibiktima ng fake news at madaling napapaniwala sa maling impormasyon.

“May mga taong matatalino pero nagtatanga-tangahan kaya nadadakip sila at napapaniwala ng mali,” paliwanag niya.



Ang prangka niyang sagot ay umani ng masigabong palakpakan ng madlang pipol na tanda ng pagsang- ayon nila sa sagot ni Sam, nasungkit ang korona bilang weekly finalist ng Miss Q&A: Reeyna TalakERA.