Advertisers

Advertisers

STREET SWEEPER NG MMDA, NABUNDOL AT NADAGANAN NG SASAKYAN SA EDSA

0 12

Advertisers

ISANG street sweeper ng Metro Manila Development Authority ( MMDA ) ang nabundol at nadaganan ng isang sasakyan na minamaneho umano ng isang Doktor habang nasa U-turn slot ng EDSA sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Patricia D Guerra, nasa hustong gulang, laborer II ng MMDA Oyster Office.

Boluntaryong sumama sa himpilan ng pulisya ang driver na si Jerimiah Reyes Diaz, 46, nakatira sa 2758 Park Avenue, Pasay City.

Si Diaz, ayon sa employer ng kanyang ama na rumesponde sa lugar ay isang Doktor sa ospital.

Nalaman sa inisyal na imbestigasyon ng PasayTraffic Bureau, na ang insidente ay naganap pasado alas2 ng hapon sa kahabaan ng EDSA , di kalayuan sa Heritage Hotel, kanto ng service road ng Roxas blvd.

Ayon kay Diaz, galing siya sa Makati kung saan habang minamaneho niya ang kanyang kotse na kulay itim na Mazda 3 na may plaka ARA 9790 na pakaliwa sana sa U-turn slot ng EDSA nang aksidenteng mabundol nito ang biktima.

Aniya, nakatingin siya sa kanang bahagi ng EDSA upang makita ang mga dumadaan na sasakyan ngunit hindi niya napansin ang biktima na nagwawalis , malapit sa bus carousel.

Laking gulat ni Diaz nang may marinig ang malakas na tunog sa ilalim ng kanyang sasakyan at doon nalaman na nasagasaan nito ang biktima.

Mabilis na rumesponde ang Pasay Rescue team kung saan agad na isinugod sa ospital ang biktima. (JOJO SADIWA)