Advertisers

Advertisers

PAGSIBAK NI ERWIN TULFO SA MUKHA NI SENATOR KIKO PANGILINAN, BINALIKAN NG MGA NETIZENS

0 23

Advertisers

Binalikan ng mga netizens ang naging banta noon ni Senador Erwin Tulfo kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan bago siya pumasok sa politika.

Sa kanyang programa noon sa radyo, binatikos ng beteranong brodkaster noon na si Erwin Tulfo ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 at sinabing siya mismo ang magbabasura sa nasabing batas at tatakbo sa 2022 kung hindi ito aaksyunan ng mga senador.

“Kung walang may plano na ibasura yang batas mo (Juvenile Justice Law) sa 2022 tatakbo ako sa Senado at ibasura ko ang punyetang batas mo na yan, kung hindi ko masibak yan, mukha mo sisibakin ko” – wika noon ni Tulfo sa kanyang programa

Kung hindi umano niya masisibak ang nasabing batas ay mukha ni Pangilinan ang kanyang sisibakin.

“It’s high time na rebisahin itong putragis na batas na ito na walang silbi,” ani Tulfo.

Sa ngayon ay pareho parin ang posisyon ni Tulfo sa isyu ngayong siya ay senador na ngunit hindi kasing anghang ang kanyang mga sinasabi sa Senado laban sa Juvenile Justice Law kumpara noong siya ay mamamahayag pa lamang.

Matatandaang sinabi ni Tulfo na kailangan ng pag-aralan muli ang nasabing batas dahil hindi talaga handa ang Pilipinas na ipatupad ito.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com