Advertisers
NAIPADALA na ng Senate Impeachment Court sa House prosecution team at defense team ang pre-trial order para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni Senate Secretary at Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. matapos ang pre-trial conference noong nakaraang linggo.
Ayon kay Bantug, via electronic mail ipinadala ang pre-trial order at bibigyan din ng printed copies ang prosecution at defense team.
May tatlong araw ang magkabilang panig para maghain ng kanya-kanyang komento.
Sa pre-trial order nakalagay ang mga napagkasunduan sa pre trial conference kabilang ang mga listahan ng testigo, dokumento at trial days.
Sa July 6 nakatakda ang mismong impeachment trial ni VP Sara.