Advertisers
IPINAHAYAG ni Ombudsman “Boying” Remulla na ang mga reklamo hinggil sa mga anomalya sa flood control projects ay nakatakda nang isampa laban sa mga kongresista na nagsisilbi ring kontraktor, na aniya’y ‘conflicts of interest’ at mahigpit na ipinagbabawal sa batas.
Sinabi ni Remulla, “cases will start pouring in” sa pagtutok ng kanyang tanggapan sa pag-iimbestiga sa mga iregularidad sa flood control projects, partikular sa mga sangot na mambabatas na may constructions interests.
“Noong tag-init, ang sabi ko iinit. Uminit na. Ngayon, uulan ng kaso. Kung babaha, titingnan natin kasi ‘yung flood control problema talaga ‘yan,” diin ng Ombudsman.
Samantala, ipinahayag din ni Remulla na nakatakda naring sampahan ng kasong Plunder si Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng P75 million campaign fund na tinanggap niya noong habang congressman pa siya at kumakandidatong senador, at hindi niya dineklara sa kanyang SALN at SOCE.
Co-accused ni Marcoleta si dating Congressman Mike Defensor na siyang nagbigay ng campaign fund.
Inanunsyo rin ni Remulla na inalis sa mga kinasuhan sa flood control anomaly si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at sa halip ay ipinasok itong “state witness”.