Advertisers

Advertisers

Eala unang Filipino na nagwagi sa Wimbledon singles

0 4

Advertisers

SA harap ng masiglang de facto home crowd, gumawa ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-una-hang Filipino na manlalaro ng tennis na na-nalo sa isang Wimbledon singles match sa ‘Open Era’ nang dominahin niya ang Mexican na si Renata Zarazua, 6-1, 6-2, sa All England Lawn Tennis and Croquet Club Court 12 Miyerkules ng madaling araw sa Maynila.

Nagsimula ang Open Era noong 1968 nang tuluyan nang pinayagan ang mga propesyonal na manlalaro na ma-kipagkompetensya sa Grand Slams.

Si yumaong Felicisimo Ampon at Raymundo Dero ang nag-iisang mga Pilipinong manlalaro ng tennis na nanalo sa mga singles match sa Wimbledon bago ang Open Era.

Si Treat Huey ay na-nalo ng maraming laban sa Wimbledon sa Open Era kahit na sa men’s doubles niya ito nagawa.

Sa panalo naman, binalik ni Eala ang pagkatalo niyang 6-3, 4-6, 3-6 kay Zarazua sa quarterfinals ng 2024 W100 Cary Tennis Classic.

Umusad si Eala sa ikalawang round (round of 64) kung saan haharapin niya ang pabalik na GOAT ng women’s tennis na si Serena Williams o ang Aussie na si Maya Joint.