Advertisers
NAHAHARAP sa kasong kriminal at administratibo ang isang babaeng pulis at kapwa niya pulis nang ma-diskubreng magkasama sa loob ng isang inuupahang kuwarto sa Butuan City.
Batay sa pahayag ng Police Regional Office-13 (PRO-13), nabisto ang dalawa nang mahuli ng mister ng babaeng pulis sa loob ng naturang kuwarto.
Inihahanda na laban sa kanila ang reklamong ‘adultery’ at ‘administrative’ case dahil sa misconduct.
“Hence the filing of a criminal act for adultery and an administrative case against both personnel for the act complained of,” ayon sa PRO-13.
Binigyang-diin ng pamunuan ng PRO-13 na hindi nito palalampasin ang anumang asal na taliwas sa moralidad at nakasisira sa integridad ng organisasyon, lalo na kung sangkot ang mga alagad ng batas.
“As law enforcers, we are bound by a higher standard of morality, integrity, and discipline. We are expected to serve as role models in our communities and within our households living a life free from immoralities and uncalled acts which is equally required as continuous qualification in the service,” saad ng PRO-13.
Samantala, tiniyak ni PRO-13 Director, Brig. General Marical Mariano Magistrado IV, na magiging patas ang imbestigasyon at walang sinumang bibigyan ng espesyal na pagtrato habang dinidinig ang kaso.
Nagbabala rin ang pamunuan sa iba pang pulis na pana-nagutin ang sinumang ma-sasangkot sa mga gawaing makasisira sa pangalan ng Philippine National Police.