Advertisers

Advertisers

Aplasca yari ang mga benepisyo sa pagretiro

0 2

Advertisers

INIHAYAG sa publiko ng Office of the Ombudsman na may pananagutang administratibo si dating Sergeant-at-Arms retured Police Major General Mao Aplasca sa mga grave misconduct at gross neglect of duty kaugnay sa pagpapaputok nito ng baril sa loob ng Senado noong Mayo 13, 2026.
Sa isinapublikong pahayag ng Ombudsman sa kanilang social media accounts, partikular sa “X” nitong Martes, Hulyo 7, sinabi nitong “unjustified”, nagdulot ng paglagay sa panganib ng mga buhay, at lumabag si Aplasca mga tuntunin sa gampanin niya bilang Senate Sergeant-at-Arms na responsable sana sa pagtiti-yak ng seguridad sa Senado.
Matatandaan ginulantang ang publiko at mga indibidwal na nasa loob ng Senado noong gabi ng Mayo 13 sa umalingawngaw na magkakasunod na mga putok ng baril mula kina Aplasca sa hanay ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) laban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation.
Ayon sa reklamo nakara-ting sa Ombudsman, nilabag ni Aplasca ang kaniyang tungkuling panatilihin ang kaligtasan sa Senado sa pamamagitan ng pagpapaputok niya ng baril kahit wala naman ipinakitang senyales ng karahasan ang mga ahente ng NBI.
Inilagay ng kilos na ito ni Aplasca sa panganib ang mga kawani ng Senado, mga media, at iba pang sibilyan na nasa loob ng naturang lugar.
Anang Ombudsman, nadepensa naman ni Aplasca ang kaniyang paniniwalang nakitaan niya ng panganib ang ilang armadong indibidwal kaya raw siya nagpaputok ng warning shots.
Ani Aplasca, kumilos lamang siya batay sa Rules of Engagement for Threat Situations ng Senado at idiniin nitong maaaring may kaugnayan ang naunang naging mainit na rin na tensyon ng OSAA at NBI.
Buwelta naman ng Ombudsman, wala silang nakitang kinaharap na panganib ni Aplasca at iba pang miyembro ng OSAA at malinaw na ang mga huli ang nagpasimula ng karahasan.
Depensa pa ng Ombudsman, nagpakilala na ang mga ahente ng NBI na nakaposisyon sa hallway na nag-uugnay sa palapag ng Government Service Insurance System (GSIS) bago magpaputok si Aplasca.
Diin ng Ombudsman, lu-mabas sa kanilang imbestigasyon na hindi inatake ng mga ahente ng NBI sina Aplasca at ang OSAA.
Dagdag pa nila, lumabag din sina Aplasca sa panuntunan ng 2021 Revised Philippine National Police Operational Procedures na nagbibigay ng permisong magpaputok ng warning shots ang mga katulad nilang opisyal kung mahaharap sila sa sitwasyong “outnumbered”, “overpowered,” at malalagay sa malalang panganib.
Dahil nakapagretiro na si Aplasca sa PNP, mauuwi sila sa desisyong pagpapataw ng parusa sa pamamagitan ng pagmumulta ni Aplasca ng kabuuan ng kaniyang isang taon suweldo, pagbabawas sa kaniyang retirement benefits, naipong leave credits, at iba pang maaaring matatanggap niya habang umiiral ang naturang parusa nila.