Advertisers

Advertisers

Marcoleta ‘not fit to stand trial’ – PNP

0 2

Advertisers

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) Health Service na “stable” na ang lagay ni Senador Rodante Marcoleta ngunit nananatiling “not fit to stand trial”.
Ayon kay Lt. Colonel Benaly Bayani, hepe ng Internal Medicine ng PNP Health Service, bukod sa mga laboratory test na gagawin sa senador ay marami pa din itong nararamdamang sakit sa katawan.
Katulad na lamang ng paninikip ng dibdib, pananakit ng batok at pagtaas ng blood pressure.
Patuloy din ang monitoring at evaluation sa senador habang inaantay pa ang resulta ng mga laboratory test nito.
Ilan sa mga lab test na ginawa kay Marcoleta ang ECG, Blood chem, chest X-ray, 2D Echo, at X-ray ng cervical spine.
Kailangan din i-monitor ang blood pressure dahil medyo may kataasan at hindi stable. (Mark Obleada)