Advertisers

Advertisers

BGEN. BACCAY, BAGONG DIREKTOR NG PNP PRO 4A CALABARZON

0 27

Advertisers

Opisyal nang itinalaga ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. si P/BGen. Dominic Labbao Baccay bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 4A (CALABARZON).

Siya ang pumalit kay P/BGen. Hansel Marantan, na nagretiro ngayong araw, Hulyo 10, 2026, sa edad na 56 alinsunod sa itinakdang pagreretiro.

Ang pagtatalaga kay Baccay ay nakabatay sa kautusan ng Pambansang Punong-himpilan ng pulisya Blg. O-07-509 na nilagdaan ni P/BGen. Jaysen de Guzman, acting Direktor for Personnel and Records Management.

Sa loob ng tatlong buwang panunungkulan ni Marantan, napanatili nito ang katahimikan at kaayusan sa buong rehiyon at nakamit ang iba’t ibang tagumpay sa mga operasyon.

Malugod na tinatanggap ng buong hanay ng PNP CALABARZON ang bagong pinuno.

Bago ito, naging Direktor si Baccay ng PNP Rizal at humawak ng iba’t ibang mahahalagang tungkulin sa loob ng kapulisan.

Pamamahalaan niya ang limang lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, at Rizal.

Kung saan inaasahang hihigatan pa nito ang mga accomplishment na iniwan ng nagretirong si Marantan. (Edwin Moreno)