Advertisers
UMAKYAT sa 76 ang bilang ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster sa Coron, Palawan, Sabado ng gabi, Setyembre 12.
Ito ay matapos marekober ang 41 pang labi mula sa naturang barko.
Bukod sa mga labi ng tao, isang labi rin ng aso ang narekober, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), batay sa ulat ng Philippine National Police Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO).
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, ibibiyahe ng BRP Cape Engaño ang 41 labi nitong Linggo, Setyembre 13.
Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero, habang nananatili sa 43 ang bilang ng mga nakaligtas.
“Based on the ticket manifest of 134 individuals, 13 remain unaccounted for while two reported that they did not board the vessel. This figure may still change as recovery and identification operations continue,” pahayag ng PCG.
Nasunog ang MV June Aster noong Miyerkoles ng gabi habang naglalayag sa karagatan malapit sa Coron, Palawan. Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Ang barko ay galing sa Baseco, Manila.