Advertisers
NASAWI ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro ng mga rebelde at mga sundalo sa Barangay Bakingking, Esperanza, Agusan del Sur, ayon sa militar.
Kinilala ng 4th Infantry Division ang isa sa mga nasawi bilang si Julia Cagadas alyas “Rheda,” secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) at isa sa mga nangungunang lider ng NPA sa Region 10.
Ayon sa militar, nakatakdang magbigay ng karagdagang detalye si Major General Marion T. Angcao, commander ng 4th Infantry Division, sa isang press conference nitong Linggo, Setyembre 13, sa headquarters ng 403rd Infantry Brigade sa Malaybalay City, Bukidnon.