Advertisers

Advertisers

FOOD FOR WORK ANG NAGWAKSI SA KANILANG IWASAN ANG CPP-NPA-NDF /

0 3

Advertisers

SA Eastern Visayas, malaki rin ang pinsalang idinulot ng mga pesteng CPP-NPA-NDF. Pero di na ngayon. Dahil andun na ang sama-samang pagsisikap ng pamahalaan at ng pamayanan na iwaksi na ang pagsuporta sa mga pesteng rebelde.

Isa na rito ang programang ‘food for work,’ kung saan ang mga mamamayan ng komunidad ay sama-sama rin sa paglilinis ng kanilang pamayanan, pakikipaglahok sa mga tinatawag na climate-resilient projects.

At sa kanilang pakikiisa sa programang ito, nahihahatid nila ang pagkain sa kanilang mga hapag kainan. Tinutumbasan ng pamahalaan ang kanilang pagod sa pakikiisa sa mga proyekto, kaya ngayon ay nakakain na sila ng tama. Di kaya ng puro pahirap na gawa ng mga pesteng CPP-NPA-NDF.

Pinangungunahan ang programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagsimula sa Almeria, Biliran, na may 700 residente na ang aktibo sa paggagawad ng mg community service kapalit ang Family Food Packs (FFPs). Naglalaman ito ng biogas, mga delata, kape at iba pang mga kinakailangang pagkain para matugunan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan.

Di lamang, sa hapag kainan ang magandang naidudulot nitong proyekto kung di, maging ang kanilang komunidad ay nagiging maayos at kaaya-aya na rin. Di gaya ng panahon na kinukubakub pa sila ng pamemeste ng mga komunistang-terorista.

Naibalik ng programs ang dignidad ng bawat isa, at tanggihan ang pagsuporta sa mga komunistang-terorista na wala namang naibigay na maganda sa kanilang pamumuhay.

Nito ngang nakaraang linggo lamang ang mga residente ng mga munisipalidad ng Almagro, Matuguinao, San Jose de Buan, at Sta. Margarita, kasama na ang mga taga-Catbalogan City sa Samar at Jipapad sa Eastern Samar at magpasalamat sa programa. Napapalitan man daw ng mga pagkain ang kanilang ginugugol na pagod, ay nakakapagbigay pa ito ng kaayusan sa kanilang pamayanan.

Gaya na lamang ng Project LAWA at BINHI, proyektong tumutulong sa kanila na magkaroon ng pagkukunan ng pagkain sa kinabukasan. Binubuo kasi ito ng paggawa ng sarili nilang pagkukunan ng tubig para sa kanilang pananim, at nakakapagpalaki pa sila ng mga isda at iba pang makakain.

Di lamang ito para sa kanilang hapag kainan, kung di paghahanda na rin sa idudulot na pagbabago ng tinatawag na climate change.

Para sa mga nabibiyayaan ng programang ito, wala na sa kanilang isipan na suportahan pa, at sumanib sa mga rebelde.