Advertisers

Advertisers

CONG. PANALIGAN NANAWAGAN NG ROLLBACK SA PAMASAHE AT CARGO RATES

0 4

Advertisers

UMAPELA si Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan C. Panaligan sa Maritime Industry Authority (MARINA) na hikayatin ang mga shipping company na magpatupad ng rollback sa passenger at rolling cargo rates sa rutang Calapan City–Batangas.

Sa liham ng kongresista na may petsang July 1, 2026 na ipinadala kay MARINA Administrator Sonia B. Malaluan, ipinaliwanag ni Panaligan na tumaas ang pamasahe at cargo rates noong Marso kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East..

Ayon sa liham, ang karaniwang passenger fare ay tumaas mula ?529 hanggang ?728, habang ang rolling cargo rates para sa mga truck na nagdadala ng pagkain at mga produktong agrikultural mula ?6,343 ay tumaas ng ?8,503.

Subalit ng bumababa na ang presyo ng langis dahil sa pagtigil ng labanan ng US at Iran sunod-sunod na oil price rollbacks, na panahon na rin upang ibaba ang singil sa barko sabi ng kongresista.

Binigyang-diin ni Panaligan na ang mataas na pamasahe at cargo rates ay nagpapabigat sa mga pasahero at nakadaragdag din sa presyo ng mga pangunahing bilihin na dinadala papasok at palabas ng Oriental Mindoro.

Bagama’t dereguladong industriya ang shipping, sinabi ni Panaligan na may kapangyarihan ang MARINA na bantayan ang operasyon ng mga shipping company upang matiyak na napoprotektahan ang kapakanan ng publiko.
Umaasa naman ang kongresista na agad kikilos ang MARINA upang mapagaan ang gastusin ng libu-libong biyahero, mangingisda, magsasaka, agricultural producers, at mga maliliit na negosyante na umaasa sa rutang Calapan–Batangas vice versa.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com