Advertisers

Advertisers

11 senador nahaharap sa mga kaso

0 747

Advertisers

MALAKING problema ang 16 votes ng mga senadot para ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Kailangan kasi, ayon sa ating Konstitusyon, ay 2/3 o 16 boto ng 24 miembro ng senado para mapatalsik ang isang impeachable official tulad ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Kasalukuyang gumugulong ang impeachment trial laban kay VP Sara, kungsaan 21 Senador -Judge ang present. Ang dalawa kasi ay nakakulong sa kasong plunder, sina Ridante Marcoleta at Jinggoy Estrada; at ang isa ay nagtatago dahil sa arrest warrant ng International Crminal Cort (ICC), si Bato dela Rosa.

Bukod kina Marcoleta, Estrada at Bato, siyam pang Senador-Judge ang nahaharap sa iba’t ibang kaso na maari nilang ikakulong at ikatanggal sa pagiging mambabatas.

Ito’y sina:

Chiz Escudero, ang umuupong Presiding Judge ngayon sa impeachment kay Sara. Nahaharap siya sa kasong P586-million plunder sa isyu ng flood control kickback, na isinampa ng Ombudsman mula sa confession ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Joel Villanueva, nahaharap sa P150-million plunder, kickback sa flood control anomaly. Isinampa ang kaso ng Ombudsman base sa testimony ni dating DPWH Engineer Henry Alcan tara.

Mark Villar, nahaharap sa graft sa pag-award ng P18-billion na kontrata sa kanyang pinsan noong siya’y kalihim ng DPWH, isinampa ng Ombudsman; at P1.33-trillion stock market manipulation na isinampa ng SEC sa Department of Justice (DoJ).

Camille Villar, co-accused siya ng kanyang kuya Mark sa P1.33-trillion stock market manipulation.

Loren Legarda, kasalukuyang iniimbestigahan ng DoJ sa graft dahil sa posibleng pagkakasangkot sa kanyang anak, Congressman Leandro Leviste, sa P24-billion failed franchise, na isinampa ni Energy Secretary Sharon Garin.

Robin Padilla, nahaharap sa kasong obstruction of justice, pagtulong kay Sen. Bato sa pagtakas mula sa pag-aresto ng NBI. Hinihimay na ito sa Ombudsman.

Alan Cayetano, co-accused ni Padilla. Ang kanyang Senate sergeant-at-arms na si Mao Aplasca ay sinibak na ng Ombudsman sa katulad na kaso.

At Bong Go, co-perpetrators sa kasong crimes against humanity ni ex-President Rody Duterte. Pareho sila ng kaso ni Bato na may arrest warrant na sa ICC.

Kapag ang 11 senador na ito ay naalis sa pagiging senador bago ang judgement day ni Sara, 13 nalang ang matitira. So, saan pa kukukunin ang 16 boto ng lahat g 24-miembro ng Senado?

Malamang iaakyat sa Korte Suprema ang usaping ito.

Subaybayan!