Advertisers

Advertisers

WOW SIARGAO!

0 2

Advertisers

NGAYON pa lang ay nasa sentro na ng atensyon ng madla ang isla ng Siargao matapos ang pormal na paglulunsad sa media ng makasaysayang Philippine – Pro WSL Championship Tour Stop No. 11 )na nakatakdang umalon at rumagasa mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 10,2026.

Literal na nasa cloud 9 ang mga personaheng naging dahilan ng realidad ng noo’y pangarap lang na sana’y maging host ang Pilipinas ng naturang paligsahang mundial pero heto na, sa determinasyon ng Philippine Sports Commission katuwang ang Kagawaran ng Turismo( Sports Tourism). Lokal na Pamahalaan ng Siargao at Pamahalaang Panlalawigan ng Surigao ay maisasakatupran na ang kampeonato pangmundo sa tourist hub na Cloud 9 sa General Luna ng pamukaw na bayang Siargao

Krusyal dito ang dedikasyon at determinasyon ni PSC chairman Patrick ‘ Pato Gregorio na sobrang lakas-loob dahil na rin sa suporta ni PBBM na kinakatawan ng kanyang anak na si Vince Marcos na nagkataong isang surfing enthusiast.

Dahilan sa ito ay world event na dadayuhin ng mga turistang dayuhan at lokal ay tiniyak ni Pato na makukumpleto ang mga imprastrakturang world class para ang lahat ng yayaot- parito ay mamamangha sa islang yaman ng Pilipinas.

Nasa 24 men at 16 women na world’s top elite surfers kabilang na ang ating pambatong si John Mark ‘Marama’ Tokong na ‘will do the talking come surfing ‘competition vs the world.

Pagsapit ng world surf festival sa Oktubre- Nobyembre tara na sa Surigao para mapapa -WOW ka sa SIARGAO!

***

NASAAN ANG PINAGAWANG MOTOR SA TALYER NA NASA BGY. IBABA?

IPINARATING sa UPPERCUT ang mistulang bangungot na karanasan ng isa nating suki sa POLICE FILES Tonite Newspaper at Gilas.

Si JPP ay isang kawani ng kumpanya kung saan ang kanyang hinuhulugang motorsiklo na gamit niyang pampasok sa trabaho ay nagkaroon ng problema kaya ipinagawa niya ito sa isang motor shop sa Bgy. Ibaba ,Mandaluyong.

Dahil mayroong di inaasahang problemang pampamilya sa kanyang lalawigan ay natagalan bago niya kunin ang pinagawang motorcycle (HONDA )

Pero laking gulat niya nang kanyang kukunin at babayaran ang pagkumpuni ng motor ay sinabi sa kanya ng may ari ng talyer na inabandona nila ang motorsiklo sa kalsada at di na alam kung towing o tao ang kumuha nito dahil nakakaabala na raw ang motor sa kanilang pwesto .

Hanep ang palusot ng may -ari ng shop at siya pa umano ang galit sa customer dahil sa matagalang pagkuha ng pinakumpuning motorsiklo.

Mukhang me sariling bend the law ang me ari ng shop.Imagine , pag di nakuha agad ang pinagawang unit ay iaabandona ito o kaya’y ibebenta ng sinoman.

Mamang shopowner, kargo niyo ang ipinagawang motor at sagutin kapag nawala ito.

Simpleng batas lang yan kaya pananagutan niyo ang unit na nawala sa puwesto niyo kung totoo ngang nawala ayon sa inyong pagkasabi kay JPP. Mga ka-Uppercut, sino mang makakakita ng nawawalang Winner X Red with plate# N283BW ay mangyari lang na ipagbigay alam sa Barangay IBABA sa Mandaluyongna sumasakop sa naturang talyer. Paging Bgy.Ibaba officials, tulungan ninyo at aksyonan agad ito para malaman kung nasaan talaga ang motorsiklo..

MISMO!