Advertisers
Sa panahon ng mabilis na pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya, mahalaga ang matatag na ugnayan sa mga kaalyadong bansa.
Ito ang muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang naging working visit sa Singapore.
Nagbunga ang pagbisita ni PBBM ng mga bagong oportunidad sa kalakalan, pamumuhunan, at kooperasyon sa mahahalagang sektor.
Kabilang dito ang artificial intelligence, digital technology, healthcare, edukasyon, at pangangalaga sa kalikasan.
Mahalagang hakbang ang pagpapalalim ng ugnayan sa Singapore, isa sa pinakamalalakas na ekonomiya sa Timog-Silangang Asya.
Ipinakita rin ng Pangulo sa mga mamumuhunan ang patuloy na reporma ng pamahalaan upang gawing mas kaakit-akit ang Pilipinas bilang investment destination.
Ang pagpapaunlad sa digital infrastructure at data centers ay magbubukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo at trabaho.
Makikinabang din ang mga Pilipino sa planong pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng mga bagong pamumuhunan.
Patunay ito na ang diplomasya ay hindi lamang tungkol sa ugnayang panlabas kundi sa paglikha ng konkretong benepisyo para sa mamamayan.
Aba’y mahalaga rin ang pagpapatibay ng kooperasyon sa ASEAN upang mapanatili ang kapayapaan, katatagan, at paglago ng rehiyon.
Masasabi rin na ang pagkilala sa Pilipinas bilang isang upper-middle-income country ay nagpapakita ng tumitibay na pundasyon ng ating ekonomiya.
Sa patuloy na pagsusulong ng mga reporma at pagbubukas ng mas maraming oportunidad, mas lumalakas ang tiwala ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Kaya ang naging working visit ni Pangulong Marcos sa Singapore ay patunay na ang aktibong pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay maaaring magbunga ng mga pamumuhunan, trabaho, at innovation na magpapalakas sa ekonomiya at magbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.
***
Catch Gilbert Perdez on “TODO BALITA” every Saturday from 4:00 AM to 5:00 AM on DWIZ 882 AM and ALIW Channel 23, and on “BRGY. 882” from 7:00 AM to 8:00 AM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ 882 AM, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ On-Demand on YouTube. For comments and inquiries, you may contact him by email at gil.playwright@gmail.com.