LIBRENG TULI MISSION — Higit 3,000 kabataan, nakinabang sa programang pangkalusugan ni Konsehala Carina Pablo Gabriel
Advertisers
PARAÑAQUE CITY — Matagumpay na natapos ni Konsehala Carina Pablo Gabriel ang kanyang programang “Libreng Tuli 2026” sa walong (8) barangay, kung saan ligtas at libreng natulian ang mahigit 3,000 kabataang lalaki sa buong District 1.
Ang malawakang medical mission, na isinagawa sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo, ay inorganisa ng Tanggapan ni Konsehala Rina sa pakikipagtulungan ng APO Medical Alumni Foundation.
Layunin ng inisyatibong ito na direktang matulungan ang mga pamilyang walang kakayahang magbayad sa mga pribadong ospital.
Bukod sa libreng operasyon na pinangasiwaan ng mga boluntaryong doktor, nakatanggap din ang mga bata ng mga libreng gamot at post-op care kits.
“Ang programang ito ang aming konkretong tugon para sa mga magulang na nahihirapan sa gastusing pangkalusugan,” ani Konsehala Rina, Chairperson ng Committee on Youth. “Nakatuon kami sa permanenteng taunang serbisyong ito upang matiyak na mananatiling malusog ang ating kabataan.”
Ang taunang misyong ito ay nasa ika-10 taon na ngayon. Ito ay pinasimulan ng kanyang sinundan na si dating Konsehal Pablo Gabriel Jr. (RONALD BULA)