Advertisers

Advertisers

Ombudsman, muling bubuksan ang imbestigasyon sa anomalya sa 2019 SEAG

0 4

Advertisers

BUBUKSAN muli ng Office of the Ombudsman ang case file kaugnay sa isinagawang imbestigasyon ng kanilang tanggapan sa umano’y iregularidad sa konstruksyon ng mga pasilidad noong 2019 Southeast Asian(SEA) Games.

Ito ang inanunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa gitna ng isinagawang imbestigasyon ng NBI sa umano’y tiwaling paggasta sa mga tinanggap na pondo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC na siyang organizer ng 2019 SEA Games.

Sinabi ni Remulla na pinakuha na niya nitong Biyernes ang lahat ng mga file noong 2021 upang silipin ang mga posibleng naging paglabag sa batas ng 2019 SEA Games.



Sa tanong naman kung iimbitahan ba nila si Sen. Alan Peter Cayetano na nagsilbing chairman ng PHISGOC noon, sinabi ni Remulla na pag-aaralan pa muna nila ito.

Klinaro ni Remulla na walang magiging “double jeopardy” dito dahil wala namang nakasuhan noon.



Nauna nang kinumpirma noong Huwebes, Hulyo 16 ng Ombudsman na dati nang ibinasura ang kasong graft at korapsyon laban kay dating Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at ngayo’y Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kaugnay ng mga umano’y anomalya dahil sa kakulangan ng ebidensya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">