Advertisers

Advertisers

DOH: 3 rehiyon binabantayan dahil sa ‘increase’ ng COVID-19 cases

0 170

Advertisers

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na tatlong rehiyon sa Pilipinas ang binabantayan ngayon dahil sa patuloy umanong pagtaas ng bilang ng kanilang COVID-19 cases.
Sinabi ni Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, kabilang sa mga tinututukan ng ahensya ang Cagayan Valley, Central Visayas, at Caraga.
“(These regions) are showing this continuous increase in cases.”
Sa Region 2, nakita raw ng Health department na patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela, pati na sa Santiago City.
Bagama’t may bahagyang pagtaas sa mga nakalipas na linggo, tuloy-tuloy naman na daw na bumababa ang bilang ng new cases sa Nueva Vizcaya at Quirino.
“Batanes is the only province that were we have not recorded any case in the past 28 days.”
Pagdating naman sa healthcare utilization rate, nasa “high risk” o 85% ang antas ng dedicated beds sa Cagayan; habang 82% sa Nueva Vizcaya.
Kaya apela ni Dr. De Guzman sa mga ospital, dagdagan pa ang nakalaang kama para sa mga pasyente ng COVID-19.