Advertisers

Advertisers

LTO ‘di otorisado magpatupad ng PMVIC

0 201

Advertisers

DAPAT dumaan sa review ng Investment Coordination Committee ang Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVICs.
Paliwanag ng mga kongresista, ang lahat ng government at corporate projects na may halagang P2.5-Billion pataas ay dapat isinasailalim sa Investment Coordination Committee o ICC sa pangunguna ng NEDA.
Kung susumahin ang presyo ng lahat ng 138 operational PMVICs na nagkakahalaga ng P65 million bawat isa ay papalo sa P8-B ang kabuuang halaga nito.
Kinuwestyon naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang karapatan ng DOTr na magpatupad ng police power sa ilalim ng isang nationwide vehicle inspection.
Paliwanag ng mambabatas, executive order lamang ang pinagbaseham ng LTO sa pagpapatupad ng inspeksyon. (Henry Padilla)