Advertisers

Advertisers

DPWH Rizal 2nd DEO nakahanda sa pagpasok ng tag-ulan!

0 10

Advertisers

Pinaghahandaan este Nakahanda na pala mga Ka Usapang HAUZ ang pamumuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal 2nd District Engineering Office sa pagpasok ng Tagulan.

Bilang pagtalima sa proyektong Oplan Kontra Baha, pinangunahan ni DPWH Rizal 2nd DEO District Engineer DE Juan “Johnny” Panganiban kasama ang kanyang mga Section Chief na magikot sa bayan bayan na sakop ng ikalawang distrito ng Lalawigan ng Rizal.

Sa tutuo lang mga Ka Usapang Hauz hindi kayang tapusin sa loob ng isang araw ikutin ang sakop ng Rizal 2nd District na kinabibilangan ng Montalban, San Mateo, Teresa, Morong, Baras, Tanay, Pililia at Jalajala kung kaya’t sa biyahe pa lang ay siguradong pagod ka na, eh paano pa kung baba ka ng iyong sasakyan at maglalakad para matukoy ang problema.

Hindi na nasabi ni DE Panganiban kung ilang araw umabot ang kanilang pagiikot dahil kailangan niyang personal na makita ang mga lugar na identified flood prone area nang sa gayon ay masabi niya ang nararapat o magbigay ng karagdagang kaalaman para sa ikagaganda ng sitwasyon.

Binanggit rin ni DE Panganiban na sa kasalukuyan ay limang Bayan ang kanyang pinatutukan kung saan identified na mabilis ang pagtaas ng tubig baha na kinabibilangan ng Teresa, Tanay, Pililia, San Mateo at Montalban.

Ayon naman kay Assistant District Engineer (ADE) Paul Justine Cunanan, nakapag submit na sila ng mga iba pang lugar sa 2nd district ng Rizal Province ng flood prone area sa Project NOAH ng sa gayon ay mabigyan ng mabilis na pagtugon upang makatulong sa Oplan Kontra Baha.

Ipinagutos din nina DE Panganiban at ADE Cunan ang mabilisang pagputol sa mga sanga ng punong kahoy na nakahambalang sa daan maging ang mga Road Signs ay kanila ring binigyan ng importansiya para sa rin sa safety ng mga biyahero partikular ang night travel.

Sa huli nagpasalamat sina DE Panganiban at ADE Cunan sa mga Section Chief na kinabibilangan nina Construction Chief Engr. Benjie Amansec, Road Maintenance Chief, Engr. Catherine Tamayo, Planning and Design Section Chief, Engr. Angie Lapitan, Quality Assurance Section Chief, Engr. Calilong at Engr. Erickson Micor na siyang hepe ng Procurement Unit sa pagbibigay suporta sa kanila.

Muntik ko nang makalimutan ang pagbati ng Congratulations kay DE Panganiban at sa lahat ng opisyales ng Rizal 2nd DEO dahil sa matagumpay na pagselebra ng yearly Sportsfest, sa mga nagsipagwagi at sa nag Champion Congrats po beke nemen……

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036