Advertisers

Advertisers

2 Pinoy seamen nasawi sa drone attack ng Russia

0 5

Advertisers

NASAWI ang dalawang Pilipinong marino at 12 ang sugatan matapos ang pag-atake ng mga drone sa mga cargo ship sa hilagang Black Sea, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac nitong Lunes.
Ayon kay Cacdac, hanggang nitong Lunes, July 20, siyam na barkong may sakay na mga marinong Pilipino ang napaulat na inatake ng drone habang dumaraan o nakadaong sa mga pantalan sa southern Ukraine.
“We are sad to report that there have been two fatalities out of these attacks, 12 injured, and one missing,” ani Cacdac sa isang press briefing.
Patuloy namang mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong marino.
Apat aniya sa 12 sugatang marino ang na-repatriate na, habang natukoy narin ang pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawi na iniulat na nangyari Hulyo 6 o 7. Na-kipag-ugnayan narin ang DMW sa pamilya ng nasa-wing marino.
Sinabi ni Cacdac na nagpapatuloy ang medical treatment, pagbibigay ng suporta, evacuation, at repatriation arrangements para sa mga apektadong tripulante.