Advertisers
By ARCHIE LIAO
Sa kanyang vlog, very ecstatic si Kim Chiu sa pagbubukas ng kanyang first pop up store sa Zamboanga.
Ito bale ang House of Little Bunnies na pinasinayaan niya sa nasabing lungsod.
Excited din siya sa naging paghahanda niya sa nabanggit na okasyon.
Alas-8 pa lang ng umaga ay busy na siya sa pag-aasikaso ng pop up store sa tulong ng kanyang kapatid na kanyang ipinakilala.
Ito ay si Trisha na kapatid niya sa ama.
“Ay andiyan na si Trisha, andiyan na ang kapatid ko. Reunited.
My half sis, and full sis!”, bulalas niya sa kanyang vlog.
“Noong araw na dumating ako, nandoon, sinalubong na ako ng mga pamangkin ko, and mga half-sisters ko. I’m so happy dahil nagkaroon kami ng reconnection at the same time. Sobrang unexpected talaga.Hindi ko alam na sa Zamboanga na pala siya nakatira, dahil `yung husband niya taga-Zamboanga. The universe is like helping me.
Sabi ko nga, ‘oh my God, may tutulong sa amin para mag-ayos ng everything diyan sa Zamboanga. Sobra talagang nakakatuwa na nagkaroon kami ng reconnection.Kasi last kaming nagsama ng mga sissies ko, is noong 2019, noong birthday ng tatay namin. Pero ‘yung last, last na talaga kaming nagkasama ay 14 years old ako, first year high school and second year high school. So, 2-years kaming nagsama sa isang bahay, magkakapatid,” kuwento ni Kim.
Super proud nga si Kim na
Pati sa supervision naman ng kanyang staff ay hindi nagkulang ang chinita actress.
Dinumog naman ng iba’t-ibang parukyano ang kanyang puwesto.
Katunayan, pumila ang kanyang customers para lamang makabili sa koleksyon of bags niya.
Nagpasalamat din siya sa mga yayamining KimPau fans na tinangkilik ang kanyang mga produkto.