Advertisers
KUMAKALAT ngayon sa social media ang mga pangalan na inuugnay sa pag-aayos ng mga nakasuhan, kinasuhan at kakasuhan palang ng Office of the Ombudsman, na kinikilala rin sa nasabing platform na ‘selective justice na taga-usig.’
Sa mga nasabing social media post, sinasabing mayroon nang ilang personalidad na hanggang ngayon ay hindi parin nakakasuhan dahil nakapag-alok, nakipagkasundo, o nakapagbigay na ng tinatawag na “restitution”. At sa iba namang post, ang “restitution” diumamo ay nangangahulugang “for the boys”.
Isang halimbawa na rito ang mga kaso sa mga matataas na opisyal na “involved” sa ghost flood control projects, naging usad-pagong na ang mga kaso.
“Selective Justice” dahil ipinakita ng Office of the Ombudsman kung gaano ito kabilis kumilos sa kaso nina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada—dalawang senador na hayagang iniuugnay sa political bloc nina dating Pangulo Rodrigo Duterte at Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Lumalabas ang mga pangalang “Nanang”, umano’y pinuno ng lahat ng middlemen sa Ombudsman. At isang Alfred Kho Lao, na umano’y negosyador para sa “restitution” o’ pagbabalik ng perang ninakaw kasama na ang “for the boys”.
Mayroon din papel na ginagampanan sina alias Rolle, Bayot, Jip, Weng at Susan ang tinatawag namang “happy group” sa Office of the Ombudsman.
Habang tumatagal ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood-control funds, lalong lumalakas ang tanong ng publiko: Nasaan ang mga “big fish”?
Ayon kay ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio, hindi sapat ang pagsasampa ng ilang kaso kung ang mga pinakamalalaking personalidad na matagal nang iniuugnay sa iskandalo ay nananatiling hindi napapanagot. Aniya, ito ang nagpapalakas sa persepsiyon ng selective justice.
Ganito rin ang naging panawagan ni Navotas Rep. Toby Tiangco. Hinamon niya ang pamahalaan na patunayang pantay ang pagpapatupad ng batas sa lahat—kaalyado man o kalaban sa pulitika. Kung may sapat na ebidensiya laban sa mga itinuturong pangunahing personalidad sa flood-control anomaly, aniya, dapat silang usigin nang may parehong bilis at determinasyong ipinakita sa iba pang mga kaso.
Kaya ang tanong sa mga social media post ay “kung kayang imbestigahan, kasuhan, arestuhin at ikulong nang napakabilis ang mga senador na iniuugnay sa kampo ni Duterte, bakit nananatiling malaya ang iba pang malalaking personalidad na paulit-ulit na inuugnay sa iskandalo ng flood-control?